Ayon sa kampo ni Estrada, hindi makatarungan ang pagkakasama ng pangalan ng dating pangulo sa 10 most corrupt leaders sa nakalipas na dalawang dekada na ipinalabas ng 2004 Global Corruption Report ng Transparency International na nakabase sa United Kingdom.
Sinabi ni Estrada na hindi pa naman napapatunayang nagkasala siya sa mga kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan Special Division kaya hindi masasabing totoo ang mga paratang sa kanya.
Kabilang din sa napasama sa listahan si dating Pangulong Ferdinand Marcos na pumangalawa kay Mohamed Suharto ng Indonesia.
Ayon sa ulat, si Marcos ay nakapagnakaw umano ng mula $5 bilyon hanggang $10 bilyon mula sa kaban ng yaman ng Pilipinas mula 1972 hanggang 1996.
Si Estrada naman ang pinangalanan bilang 10th most corrupt chief executive na nakakuha umano ng mula $78 milyon hanggang $80 milyon sa tatlong taong panunungkulan.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Estrada sa Sandiganbayan ang mga kasong plunder at illegal use of alias.
Iginiit ni Estrada na hindi siya nangurakot sa gobyerno kaya walang karapatan ang Transparency International na ibilang siya sa mga corrupt na naging lider ng bansa.
Mula nang maglabas ng ulat ang Transparency International kaugnay sa "Globals Corruption Report" ang Pilipinas ang palaging nalalagay sa ika-11 bilang most corrupt country sa Asia. (Ulat ni Malou Rongalerios)