^

Bansa

Erap tinawag na '10th most corrupt leader'

-
Pinag-aaralan na ng mga abogado ni dating Pangulong Joseph Estrada ang pagsasampa ng kaso laban sa Transparency International matapos isama ang pangalan nito sa listahan ng mga pinaka-corrupt na naging lider ng iba’t ibang bansa.

Ayon sa kampo ni Estrada, hindi makatarungan ang pagkakasama ng pangalan ng dating pangulo sa ’10 most corrupt leaders’ sa nakalipas na dalawang dekada na ipinalabas ng 2004 Global Corruption Report ng Transparency International na nakabase sa United Kingdom.

Sinabi ni Estrada na hindi pa naman napapatunayang nagkasala siya sa mga kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan Special Division kaya hindi masasabing totoo ang mga paratang sa kanya.

Kabilang din sa napasama sa listahan si dating Pangulong Ferdinand Marcos na pumangalawa kay Mohamed Suharto ng Indonesia.

Ayon sa ulat, si Marcos ay nakapagnakaw umano ng mula $5 bilyon hanggang $10 bilyon mula sa kaban ng yaman ng Pilipinas mula 1972 hanggang 1996.

Si Estrada naman ang pinangalanan bilang 10th most corrupt chief executive na nakakuha umano ng mula $78 milyon hanggang $80 milyon sa tatlong taong panunungkulan.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Estrada sa Sandiganbayan ang mga kasong plunder at illegal use of alias.

Iginiit ni Estrada na hindi siya nangurakot sa gobyerno kaya walang karapatan ang Transparency International na ibilang siya sa mga corrupt na naging lider ng bansa.

Mula nang maglabas ng ulat ang Transparency International kaugnay sa "Global’s Corruption Report" ang Pilipinas ang palaging nalalagay sa ika-11 bilang ‘most corrupt country’ sa Asia. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

CORRUPTION REPORT

GLOBAL CORRUPTION REPORT

KABILANG

MALOU RONGALERIOS

MOHAMED SUHARTO

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

TRANSPARENCY INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with