Standing ovation kay Bro.Eddie
March 27, 2004 | 12:00am
May 2,000 negosyante ang nagpakita ng suporta at paniniwala kay Bro. Eddie Villanueva, standard bearer ng Bangon Pilipinas na ito ang magbabangon sa bansa mula sa pagkakalugmok.
Kamakalawa ng gabi ay inorganisa ng bagong tatag na Movement for Good Government na binubuo ng libu-libong mga negosyante ang isang dinner para kay Bro. Eddie sa Sheraton Hotel na kanilang inindorso bilang pangulo sa darating na May 10 elections.
Sinabi ni Danny Perez, pinuno ng movement na ang naturang samahan ay naglalayong makilahok sa larangan ng pulitika tungo sa magandang kinabukasan ng bansa na anilay tila wala nang pag-asa kung hindi sila pipili ng kagaya ni Bro. Eddie na siyang mamumuno ng bansa.
Sa pananalita ni Perez, sinabi nito na ang kanilang grupo ay naniniwala na si Bro. Eddie ay ini-annoint ng Diyos sa lupa upang pamunuan ang sambayanang Pilipino.
Sinabi nito na kailangan ng bansa ang isang lider na may takot sa Diyos, talino, dedikasyon, tapang, integridad at sinseridad dahil ang sitwasyon sa Pilipinas aniya ay pasama nang pasama at kay Bro. Eddie lamang nila ito nakita. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended