^

Bansa

Petisyon sa taas ng singil-pasahe, bitin pa rin

-
Sa ikalawang pagkakataon naudlot na naman ang takdang pagdinig ng Land Trasportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng petisyon ng jeepney operators at drivers na P1.50 taas sa singil sa pasahe.

Sa isang panayam, sinabi ni Mar Garvida, pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) isa na namang kalokohan ang ginagawa sa kanila ng ahensiya dahil patuloy na pinabibitin-bitin ang pagkilos ng LTFRB ang kanilang inihaing petisyon.

Anya, magsusumite sila sa susunod na linggo ng kahilingan sa LTFRB upang i-pressure na ang ahensiya na ipinalabas na ang desisyon sa kanilang petisyon, pabor man o hindi.

"Sobrang tagal na ng aming ginagawang paghihintay sa pagkilos ng LTFRB, kaya kami ay magkakaroon ng transport summit para pag-usapan ang pinal na gagawing pagkilos laban sa pagdedma ng ahensiya sa aming kahilingan", pahayag pa ni Garvida.

Ayon pa dito, kasama nila sa summit ang mga lider ng PEJODAP, ALTODAP, MJODA, PCDO-ACTO.

Sinabi ni Garvida na hinihingan na naman sila ng LTFRB ng affidavit kung bakit maaari silang pagbigyan sa fare increase petition, gayung nahingi na ito sa kanila noong unang hearing kaya’t ito nga ay nabulilyaso noong nakaraang buwan.

Bagamat wala pang pinal ang gagawing welga ng mga jeep nationwide, sinabi ni Garvida na maaari nilang pagdesisyunan sa summit na mag-transport strike sila ng sabay-sabay sa Marso 29 hanggang sa Marso 30. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

ANYA

AYON

BAGAMAT

GARVIDA

LAND TRASPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MAR GARVIDA

MARSO

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with