Kasama sina Rasul at Anson-Roa, inilunsad ng COURAGE ang pambansang kilusang BANTAY-K4 na naglalayong labanan ang walang patumanggang paggamit ni Pangulong Arroyo ng pondo ng gobyerno at iba pang kagamitan para lamang maisulong ang kanyang pampulitikang ambisyong mapanghawakan ang kapangyarihan sa loob ng anim pang taon.
"Ang desperadong pagtatangka ni Pangulong Arroyo na magpatuloy sa pagiging reyna lampas pa ng 2004 ay nangangahulugan lamang na ang nalalapit na presidential polls ay mababahiran ng malawakang bilihan ng boto at karahasan," ani Courage president Ferdinand Gaite.
Sa pamamagitan ng BANTAY K-4 na ibig sabihin ay Bantay Katiwalian, Korupsyon, Karahasan at Kataksilan, umaasa sina Raul at Roa na sa pakikipagtulungan ng mga kasapi ng Courage sa buong bansa ay epektibong mapangalagaan ang sagradong karapatan ng pagboto ng mamamayan at masupil ang anumang pagtatangka ng dayaan tulad ng dagdag-bawas na minaniobra ng kasalukuyang administrasyon. (Ulat ni Rudy Andal)