GMA, FPJ magso-showdown sa Cebu
March 26, 2004 | 12:00am
Ngayon malalaman kung sino sa pagitan nina Pangulong Arroyo at Fernando Poe, Jr. ang dudumugin ng taumbayan sa magkasabay nilang pagdalaw sa Cebu.
Nakatakdang suyurin ni FPJ ang mga lungsod ng Danao, Toledo, Talisay at Cebu sa araw na ito kasama ang buong tiket ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) habang si Pangulong GMA naman ay magtutungo sa Cebu para umano sa "governance" at hindi para sa pangangampanya.
Nauna nang nagtungo sa Cebu City ang maybahay ni FPJ na si Susan Roces kasama ang mga beteranang artista na sina Anabelle Rama, Armida Siguion-Reyna, Eddie Gutierrez at Marichu Vera Perez.
Sinabi ni Ms. Rama, iikutin nila nina Susan ang lahat ng palengke sa lalawigan ng Cebu upang bago dumating ngayon ang grupo ni FPJ ay nasuyod na nila ang lahat ng sulok ng probinsiya.
Magkakaroon naman ng grand rally ang KNP sa Danao Sports Complex ngayong alas-10 ng umaga na susundan ng isa pang campaign rally sa Toledo City sa tanghali at motorcade naman sa Talisay. Ngayon lamang ang simula ng 3-araw na kampanya ng grupo ni FPJ sa lalawigan ng Cebu at Bohol. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended