Dolphy nasa Dos pa rin
March 26, 2004 | 12:00am
Tahasang pinabulaanan kahapon ng pamunuan ng ABS-CBN ang mga balitang kanselado na ang programang "Home Along Da Airport" at sinibak na ang pangunahing artista nitong si comedy king Dolphy.
Sa isang official statement, inihayag ni Atty. Ricardo Puno, Jr., tagapagsalita ng ABS-CBN, na "hindi namin akalain na ang tahimik naming pakikitungo kay Tito Dolphy ay binigyan ng malisya ng mga iresponsableng media."
Ginamit lamang anya itong mitsa upang siraan ang ABS-CBN at idinikit sa ibang isyu na walang kaugnayan sa industriya at pinasukan ng pulitika at ginamit sa pansariling interes.
Wala rin anyang katotohanan na ang mga empleyado, artista at tauhan ng ABS-CBN ay inutusang sumuporta sa isang kandidato at palitawing pinaparusahan ng kumpanya ang mga empleyadong lalabag sa kautusan.
Matatandaang umikot sa apat na sulok ng showbiz na tinapos na daw ng ABS-CBN management ang kontrata ni Dolphy sa kanyang sitcom na "Home Along Da Airport" dahil sa umanoy hindi magandang ratings nito, pero ilang showbiz insiders ang nagpaikot din ng balita na ang tunay na dahilan sa pagterminate sa kontrata ni Dolphy ay dahil umano sa hayagang pagsuporta nito sa kandidatura ni Fernando Poe, Jr.
Kinondena ng ABS-CBN ang mga bintang na ito na hindi man lamang kinonsulta o kinuha ang panig ng mga apektadong tao at mas pinaniwalaan ang pahayag ng mga taong may motibo, pulitika man o kakumpetensiya, na ang layunin ay ilihis sa taumbayan ang mga tunay na pangyayari.
"Tumahimik po ang ABS-CBN ng halos isang linggo. Wala kaming pinatulan sa mga masasakit na bintang at paninira na lumabas sa mga iresponsableng media. Pero ngayong nakasalalay na ang karangalan ng pamilya ng ABS-CBN, minabuti naming ilahad ang katotohanan," pahayag ng statement.
Muling inulit ng ABS-CBN management na hindi kanselado at tuluy-tuloy ang pagpapalabas ng "Home Along Da Airport."
"Kapamilya noon, kapamilya ngayon at sa darating pang panahon si Tito Dolphy," pagtatapos ng naturang statement.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest