'Ipakukulong ko si Kabayan!'
March 25, 2004 | 12:00am
"Kahit sa aking huling hininga, sisiguruhin kong maghihimas si Noli de Castro ng malamig na bakal ng kulungan."
Ito ang pangakong binitiwan kahapon ng dating aktor at negosyanteng si Rafael Engle sa Ciudad Fernandina forum sa San Juan matapos niyang ihayag ang kanyang pagkakulong ng halos walong taon dahil sa paninirang ginawa sa kanya ni de Castro sa isang episode ng Magandang Gabi Bayan noong 1995.
Matapos mapawalang-sala ng Manila RTC sa kasong kidnapping noong isang taon, sinabi ni Engle na dadalawang bagay na lang ang nais niyang maisakatuparan - ang makita ang nawawalang asawang si Daisy at ang maipakulong si de Castro.
Sa kanyang sinumpaang pahayag, sinabi ni Engle na ginawa siyang suspek ni de Castro sa pagkawala ng kanyang asawa nang hindi niya ibigay ang P2 milyong extortion money na hiningi umano nito. Ang naturang episode ng MGB ang ginawang basehan ng NBI sa pagsasampa ng kaso laban kay Engle.
Dahil sa kanyang pagkakulong ng matagal na kamuntik na umano niyang ikamatay sa pamamagitan ng pagsalvage ng mga operatiba ng NBI, isa-isang nalugi ang negosyo ni Engle.
Pinawalang-sala si Engle at pinagsabihan pa ng korte ang mga taga-usig ng pamahalaan pati na ang NBI dahil sa paggamit ng testigong walang kredibilidad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest