Dagdag 1 taon sa elementary
March 25, 2004 | 12:00am
Sasailalim sa isang taong refresher course ang mga elementary student na mahina sa subject na English, Math at Science bago payagang makapasok sa high school.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang refresher course na tinatawag nilang pre-secondary Bridge Program ay ipatutupad sa Hunyo 2004.
"Incoming high school students will be given aptitude test. The test results will be the basis if the student has to go through the refresher course or proceed with the regular high school program," ani DepEd Undersecretary Jose Luis Gascon.
Gagamitin ang isang taong intensive course upang mahasa ang mga estudyante sa mga major subjects bago sila payagang makapasok sa regular na apat na taong high school.
Sa tulong ng bridge program umaasa ang DepEd na tataas ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan.
Napag-alaman ng DepEd na sa mga isinagawang Diagnostic Test sa nakaraang dalawang taon, pito sa bawat 10 batang mag-aaral na pumasok sa high school ay walang mastery sa Elementary English, Science at Math subjects. Dahil dito, sinimulang buuin ang bridge program noong 2002.
Binatikos naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang naturang programa dahil hindi umano ito ang solusyon sa kahinaan ng mga estudyante sa halip ay dagdag trabaho para sa mga guro.
Upang tumaas umano ang kalidad ng edukasyon, dapat anyang itaas ang mga pasilidad sa edukasyon na ginagamit ng mga guro. (Ulat ni Edwin Balasa)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest