John O. 'di makikialam sa kaso ng anak
March 25, 2004 | 12:00am
Nanawagan kahapon si reelectionist Sen. John Osmeña sa mga awtoridad na madaliin ang pag-imbestiga sa pagkakasabat sa 60 drum ng kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng shabu kung saan isinasangkot ang kanyang anak na si Cebu Vice Governor John Gregory Osmeña.
Hiniling ni Sen. Osmeña sa Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) na ipatupad ang batas.
Wika ng senador, matagal na rin silang hindi nag-uusap ni Vice Gov. Osmeña dahil sa kabila ng kanyang pagtangging tumakbong gobernador ang anak sa darating na eleksiyon ay tumuloy pa rin ito.
Mariin namang itinanggi ng batang Osmeña ang alegasyong tinangka niyang arborin sa Customs ang 60 drum ng pseudoephedrine na nakumpiska sa M/V Intra Blum na dumaong kamakailan sa Cebu International Port. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended