^

Bansa

Anak ni Sen. John O. sisilipin sa P3-B droga

-
Pinag-aaralan ngayon ng mga awtoridad ang posibilidad na unti-unti nang inililipat ng mga drug syndicates ang kanilang base ng operasyon mula sa Maynila patungo sa ilang malalaking lungsod sa katimugang bahagi ng Pilipinas sa tulong ng mga lokal na pulitiko para sa proteksiyon at walang sagabal na operasyon.

Nabatid ito matapos na masabat kamakailan sa Cebu City ang may 1,700 kilo ng pseudoephedrine na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon na kung saan ay nasangkot ang pangalan ni Cebu Vice Governor John Gregory "John-john" Osmeña, anak ni Sen. John Osmeña.

Sa isang pulong sa Casino Espanol sa Cebu City, nagkaisa ang mga dumalo na sina PDEA Region 7 director Gaudencio Pagaling, Jr., NBI regional director Renaldo Esmeralda, region 7 chief Senior Supt. Augusto at Customs lawyer Rey Rico Holganza na ‘malaki’ ang posibilidad na may shabu laboratory na sa rehiyon base na din sa dami ng kemikal na nakumpiska nila.

Pumutok ang pangalan ni Osmeña ng maglabasan ang mga balita na isang mataas na opisyal ng lalawigan ang nagtangkang makialam para pakawalan ang kontrabando na sinamsam ng mga operatiba ng gobyerno matapos mabigo ang consignee nitong si Mike Cummings, isa sa mga incorporator ng Coastside Ventures, na makapagpakita ng kaukulang dokumento para umangkat ng nasabing kemikal.

Ang pseudoephedrine ay pangunahing sangkap na ginagamit para makagawa ng shabu at maaari lamang itong angkatin kung may mga papeles na magpapatunay na gagamitin ito sa pag-manufacture ng legal na prescription drugs. Ang kemikal ay nagmula sa Shanghai, China at dumating sa bansa noong Marso 5.

Uminit ang usapin sa arboran ng kontrabando nang isang mataas na opisyal ng BoC ang nagsabi sa isang panayam na may tumawag sa kanyang isang tao na nagpakilalang tauhan umano ni Osmeña at tinangka siyang suhulan ng malaking halaga para pakawalan ang kargamento subalit tinanggihan niya ang suhol.

Isa pang opisyal ng Customs na si Capt. Isidro Estrera, district commander ng Enforcement and Security Service ang nagsabi din na dalawang beses siyang tinawagan ng isang nagpakilalang tauhan ng bise gobernardor noong Marso 7 at 8 para suhulan ng P20 milyon kapalit ng pagri-release ng kargamento. (Ulat ni Joy Cantos)

CASINO ESPANOL

CEBU CITY

CEBU VICE GOVERNOR JOHN GREGORY

COASTSIDE VENTURES

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE

GAUDENCIO PAGALING

ISIDRO ESTRERA

JOHN OSME

OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with