Mosyon vs citizenship ni FPJ ibinasura ng SC
March 24, 2004 | 12:00am
Tuluy-tuloy na ang pagtakbo sa pampanguluhang halalan ni Fernando Poe, Jr. matapos na magpalabas ng dalawang pahinang resolution ang Supreme Court (SC) en banc sa Baguio City na tuluyang nagbabasura sa motion ng dalawang abogado na humaharang sa kandidatura ni FPJ.
Iginiit ng SC na hindi nagbabago ang naunang botong 8-5 na pumapabor din sa unang resolution na ipinalabas ng Comelec.
Nakasaad sa resolusyon na walang mabigat na argumentong inihain ang mga petitioner na sina Attys. Victorino Fornier at Ma. Jeanette Tecson na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon nito noong Marso 3, dahil sa naniniwala silang malaki ang pagkakamali ng SC ng katigan nito si FPJ at ideklarang isang natural-born Filipino.
Sinabi pa rin nila Fornier at Tecson na hindi pa rin maituturing na natural born Filipino si FPJ dahil ang dapat pa rin sundin na citizenship nito ay sa ina nitong si Bessie Kelley na isa naman Amerikana.
Binigyang-diin ng SC sa resolution nito na wala ng bagong argumentong isinumite sina Tecson ay Fornier para mabago pa ang naunang desisyon nito.
Ipinaliwanag pa rin ng SC na dalawang dokumento lamang ang dapat pagbasehan at ito ay birth certificate ni FPJ na Agosto 20, 1939 at marriage certificate ng kanyang magulang noong Set. 16, 1940. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest