Kill plot kay FPJ ibinulgar
March 23, 2004 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng Association of Generals for Poe and Legarda (AGPOL) na nanganganib ang buhay ng presidential candidate ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) Fernando Poe, Jr. dahil sa assassination plot na nakaamba dito.
Kinumpirma ni ret. General Tomas Diaz, pangulo ng AGPOL na may nagpaplanong ilikida si Da King dahil na rin sa pagiging popular nito at nagtatamasa ngayon ng mataas na rating sa mga isinagawang surveys ng mga presidentiables.
Sinabi ni Diaz na posibleng magmula ang assassination plot kay FPJ sa mga tagasuporta ng mga kalaban nito sa pulitika kabilang na ang administrasyon ni Pangulong Arroyo.
Nabatid sa KNP na si Sen. Gringo Honasan ang tagapangasiwa ng kaligtasan at magbibigay ng security personnel kay FPJ sa lahat ng puntahan nitong sulok ng bansa para sa kanyang pangangampanya. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended