^

Bansa

Lacuna inupakan sa pasugalan

-
Matapos akusahan ng umano’y pagtatago ng yaman, umalma naman ang mga residente ng Maynila partikular ang mga kapitbahay ni Vice Mayor Danny Lacuna ukol sa pasugalan at KTV bar na pagmamay-ari umano nito at nag-ooperate sa harap mismo ng tahanan ng bise alkalde.

Ang nasabing KTV bar at pasugalan ay matatagpuan sa tapat ng kontrobersyal na mansiyon ni Lacuna sa Biyaya Street, Sta, Mesa, Manila.

"Residential po ang aming lugar at sa gabi po ay maingay ang KTV na iyan ngunit magreklamo man kami ay balewala din dahil kay Vice Lacuna," pahayag ni Marita Punzalan na residente ng naturang street.

Ayon kay Aling Marita, isa umanong pamangkin ng bise alkalde ang tumatayong front nito sa KTV bar. "Perwisyo talaga iyang KTV bar niya, hindi makapag-aral na maige ang mga bata dahil sa ingay niyan, at istorbo sa aming pagtulog," wika niya.

Sinabi naman ni Conrado Gonzales na "hindi na sikreto sa aming mga Manilenyo na may illegal na pasugalan diyan at libo-libo ang pustahan diyan. Pero alam din naman namin na kapag nagreklamo ka ay markado ka kaya karamihan sa amin ay nagsasawalang-kibo na lamang."

Ang pasugalan ay hayagan umanong nag-ooperate dahil nakikita ito ng mga umiinom sa KTV bar sapagkat natatakpan lamang ng manipis na kurtina.

Nananatili rin umanong untouchable ito dahil ilang pulis-Maynila ang anila’y tumatayong protektor nito at kung minsan ay kolektor pa. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALING MARITA

AYON

BIYAYA STREET

CONRADO GONZALES

GEMMA AMARGO

KTV

MARITA PUNZALAN

MAYNILA

VICE LACUNA

VICE MAYOR DANNY LACUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with