Bahay ni Lacuna ibinbenta na
March 23, 2004 | 12:00am
Ipinagbibili na umano ni Manila Vice Mayor Danny Lacuna ang kanyang P50 milyong halaga ng mansion sa presyong kalahati.
Sa kanyang ipinatawag na pulong kahapon sa kanyang bahay na nasa # 3802 Biyaya corner Saklolo Sts., Bacood, Sta. Mesa, Manila ay personal na inilibot ni Lacuna sa kanyang apat na palapag na bahay ang mga mamamahayag kasabay ng pahayag na ibinebenta na niya ang bahay sa halagang P25 milyon at sa magsisilbing ahente nito ay mayroong 10 porsiyento.
Ayon kay Lacuna, halos P10 milyon lamang ang halaga ng kanyang bahay at hindi P50 milyon gaya ng naglabasang ulat.
Ipinaliwanag ng bise alkalde na ang pinagpagawa nila sa naturang bahay ay ang nakuhang pera ng kanyang misis na si Melanie sa PNB bank ng magretiro ito bilang assistant vice president ng naturang kumpanya sa loob ng 39 taon.
Bukod dito, katulong din umano nilang nagpagawa ng naturang bahay ang kanyang mga anak na pawang mga propesyonal na samantalang ang nagdisenyo nito ay ang anak nilang architecture na si Dennis Lacuna.
Nilinaw din ni Lacuna na nag-loan siya ng halagang P5 milyon sa Insular Bank at P1.5 milyon sa GSIS upang maipagawa ito noong taong 2001.
Hinamon din ni Lacuna ang isang Engr. Ramon Flores na lumutang at magpakita ng mga ebidensiya sa kanyang mga akusasyon tungkol sa P50 milyong halaga ng bahay at mga sports utility vehicles nito.
Iginiit ng bise alkalde na wala umano siyang sports vehicle kundi ang isang 1973 GT sports car na pag-aari ng kanyang anak at pinabulaanan din nito na mayroon nang inihaing kaso sa Ombudsman laban sa kanya.
Duda si Lacuna sa katauhan ni Engr. Flores dahil ipina-verify nila ito subalit walang ganitong pangalan kundi isang Engr. Jaime Flores ang lumabas na taga-District 4 ng Maynila.
Malaki ang hinala ni Lacuna na pulitika pa rin ang ugat ng naturang bintang dahil sa muli nitong pagtakbo bilang bise alkalde ng Maynila kung saan si Councilor Don Bagatsing ang kanyang mahigpit na makakalaban. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest