Ito ang nabatid kay Armys 6th Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Generoso Senga.
Ang Malaysian team na bibisita sa bansa mula ngayong araw hanggang Marso 31 ay personal na mag-oobserba kung tumatalima ang MILF fighters at tropa ng militar sa ceasefire alinsunod sa napagkasunduan ng Coordinating Committee on Cessation of Hostilities (CCCH) para sa ikatatagumpay ng panunumbalik muli ng negosasyong pangkapayapaan.
Gayunman, nilinaw ni Senga na habang nasa Mindanao lamang ang Malaysian advance team maaaring manatili sa mga lugar na inilaang bisitahin ang mga MILF leaders at dahil kung hindi ay isasailalim ang mga ito sa operasyon ng militar.
Nabatid na kabilang naman sa lugar na bibisitahin ng Malaysian advance team ay ang Buliok Complex sa pagitan ng lalawigan ng Cotabato at Maguindanao, ang isa sa itinuturing na main camp ng mga MILF rebels na nakubkob ng tropang militar noong Pebrero 2002.
Itinakda naman ng muling pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng GRP at MILF peace panels sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na buwan. (Ulat ni Joy Cantos)