Ito ang suhestiyon kahapon ni Guillermo Luz, executive director ng Makati Business Club sa ginanap na Senior Leaders Conference sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Makati City base sa resulta ng survey ng sektor ng negosyo simula Enero 2004 hanggang sa kasalukuyang buwan.
Sinabi ni Luz na sinuman sa mga presidentiables na kinabibilangan nina Pangulong Arroyo, Fernando Poe, Jr., Sen. Panfilo Lacson, Raul Roco at Eddie Villanueva ang magwagi sa halalan ay dapat unahin ang peace and order para sa ikayayabong ng ekonomiya.
Ayon kay Luz, apektado ng sitwasyon ng peace and order ang negosyo partikular na ang ekonomiya o pag-unlad ng isang bansa kaya ito ang dapat pagtuunan ng papalaring maging lider ng bansa sa unang araw pa lamang ng pag-upo nito sa puwesto.
Sinabi pa ni Luz na kailangang may determinasyon at maabilidad ang mahahalal na lider para matugunan ang problema sa lahat ng banta sa pambansang seguridad gaya ng kidnap-for-ransom at bank robbery. (Ulat ni Joy Cantos)