^

Bansa

Lifestyle check hirit vs Lacuna

-
Hiniling ng isang opisyal ng isang government watchdog sa lungsod ng Maynila na isailalim sa lifestyle check si Manila Vice Mayor Danny Lacuna matapos mapaulat na mayroon itong mga tagong yaman.

Sa pahayag ni Engr. Ramon Flores, umiinit ang usap-usapan sa kamaynilaan hinggil sa umano’y mansiyon na ipinatayo ni Vice Mayor Lacuna na matatagpuan sa Biyaya Street, Sta. Mesa, Manila na umano ay ginastusan ng P50 milyon.

Ayon kay Flores, ang take-home pay ng vice mayor ay mga P35,000 lamang kada buwan. "Hindi kaya ng suweldo ng isang bise alkalde ang magpatayo ng ganitong kagarbong mansiyon," wika pa nito.

Bukod sa mansiyon, kinukuwestiyon din ni Flores ang mga luxury at sports vehicles na umano ay pagmamay-ari ng pamilya Lacuna.

"May mga sports cars ang mga iyan at mga modelong SUVs na milyon-milyon ang halaga, paanong kakayaning bilhin ni Lacuna ang mga iyon?" tanong pa ni Flores.

Wika ni Flores, makabubuti para kay Vice Mayor Lacuna na magpasailalim sa lifestyle check para maliwanagan ng mga Manilenyo kung saan galing ang kanyang yaman.

Sinabi rin ni Flores na kailangang maging mapagbantay at mapagmasid ang mamamayan dahil baka pera na ng taumbayan ang ginagamit ng ilang tiwaling opisyal para sa kanilang sariling kapakanan.

"Ito ay isang high form of injustice na habang nagpapasasa sila sa buhay, ang mamamayan naman na sinumpaan nilang paglilingkuran ay walang makain at sadlak sa hirap," pahayag ni Flores.

"Paano mong masisikmura na magpatayo ng isang mansiyon samantalang ang ilang kababayan mo ay natutulog lamang sa kariton o sa bangketa at malamig na semento ang unan at kariton lamang ang kumot," galit pang pahayag ni Flores.

Wala anyang karapatan ang ganitong mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na umupo sa puwesto, bagkus dapat ay ilagay sila sa selda. (Ulat ni Gemma Amargo)

AYON

BIYAYA STREET

BUKOD

FLORES

GEMMA AMARGO

MANILA VICE MAYOR DANNY LACUNA

RAMON FLORES

VICE MAYOR LACUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with