Ito ang sinabi ng grupo ng Bagong Lahing Pilipino Development Foundation sa bintang ni de Castro na isang black propaganda ang kasong isinampa ng Bagong Lahi laban sa kanya.
Ayon kay Andrew Gonzales, tagapagsalita ng Bagong Lahi, hindi dapat pagtawanan ang kasong isinampa nila sa Ombudsman dahil desidido ang grupo na ipursige ang kaso hanggang sa matapos ito at makulong ang isang anilay mangongotong na nagmama-masquerade bilang public servant.
Marami pa umanong biktima si de Castro na naghahandang sumanib sa isang alyansa na binubuo upang ilantad ang mga umanoy pangongotong na ginawa nito.
"Tip lang ito ng iceberg, marami pa ang lalabas at naghahanda ng kanilang mga kaso mula sa Mindanao at Visayas, sabi ni Gonzales.
Hinamon pa ni Gonzales si de Castro na magsampa ng kaso laban sa foundation kung naniniwala ito na ang kanilang ginagawa ay isang black propaganda lamang. (Ulat ni Ellen Fernando)