^

Bansa

Dugo muntik dumanak sa sortie ng KNP

-
ILIGAN CITY - Muntik ng dumanak ng dugo sa pagitan ng dalawang grupo ng supporters ni KNP bet Fernando Poe, Jr. na nag-aagawan sa pagiging host ng rali ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) kahapon sa Marawi City.

Napilitang kanselahin ng KNP ang kanilang nakatakdang rali sa gymnasium ng Marawi City kahapon dahil sa pag-aaway ng grupo nina Akmad Tumawis na chairman ng KNP sa Lanao del Norte at KNP congressional candidate Ali Gutok Tumamina na nag-aagawan ng kredito sa pagiging punong-abala ng okasyon.

Nagkabit umano ng mga streamers at banners ng mga kandidato ng KNP ang grupo ni Tumamina kamakalawa ng gabi sa paligid ng gym subalit ng dumating ang mga armadong grupo ni Tumawis ay inalis ng mga ito saka isinara ang gym at siya daw ang binigyan ng KNP headquarters ng awtorisasyon para maging host ng event at hindi ang grupo ni Tumamina.

Iginiit umano ng grupo ni Tumawis na sila ang dapat mamuno sa akomodasyon ng grupo ni FPJ sa Marawi dahil si Tumawis ang chairman ng KNP sa Lanao del Sur pero nagpumilit ang grupo ni Tumamina na huwag alisin ang kanilang mga ikinabit na banner dahil sila ang kinikilalang host ng okasyon.

Napigil lamang ang madugong komprontasyon ng kapwa armadong grupo nina Tumamina at Tumawis ng dumating ang may isang batalyong miyembro ng Phil. Marines.

Hanggang kahapon ng umaga ay mainit pa rin ang sitwasyon kahit naawat ng militar ang napipintong salpukan ng dalawang grupo ng supporters ni FPJ sa Marawi City.

Napilitan ang KNP na baguhin ang ruta ng kampanya sa araw na ito. Dapat sa Cotabato City magtatapos ang sortie ngayong gabi pero dahil din sa seguridad ay napilitang ngayong umaga na lamang magsisimula sa naturang lungsod patungo sa Midsayap hanggang Kidapawan town sa North Cotabato. (Ulat ni Rudy Andal)

AKMAD TUMAWIS

ALI GUTOK TUMAMINA

COTABATO CITY

FERNANDO POE

GRUPO

KNP

LANAO

MARAWI CITY

TUMAMINA

TUMAWIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with