Gayunman, sinabi ni Jaworski na malugod niyang pinasasalamatan si Lacson sa kahandaan nitong tanggapin siya sa kanyang kampo bagamat wala ito sa kanyang plano.
"Malaki ang aking pagrespeto kay Senador Lacson hindi lamang bilang kasama sa Senado. Kamiy magkaibigang personal at saludo tayo sa kanyang kakayahan subalit ako ay hindi aalis sa kampo ni Pangulong Arroyo," sabi pa ni Jaworski.
Bukod sa isyung paglipat ng partido, sinabi ni Jaworski na may mga lumabas na intriga na siyay hanggang 2007 pa sa Senado na lumilikha ng kalituhan sa kanyang kandidatura.
"Tapos na po ang ating termino kaya nga tayo ay humihingi ng panibagong mandato sa ating mga kababayan. Anim na taon tayong naging produktibong miyembro ng Senado dahil mahigit 20 batas ang ating naisulong at napagtibay," dagdag pa ni Jaworski.
Dahil sa ganitong mga intriga, sinabi ng senador na mula sa pagiging number 6 sa lahat ng survey, bumaba ang kanyang rating kaya kailangan niyang magpursige na itoy mabawi. (Ulat ni Lilia Tolentino)