^

Bansa

Extortion accusers ni Noli kakasa na

-
Handang mag-rali sa Malacañang ang Alyansa ng mga Kinotongan ni Noli (AKIN) upang ibulgar ang "pangongotong at pamba-blackmail na ginagawa" ni administration candidate Noli de Castro.

Ayon kay Andrew Gonzales, isa sa mga convenor ng AKIN at opisyal ng Bagong Lahing Pilipino Development Foundation, maraming mga "biktima" pa ni de Castro ang lalantad upang papanagutin ito sa kanyang "extortion scheme."

"Kahit barangay tanod ay hindi puwede itong si de Castro," ani Gonzales. "We have unmasked him for the extortionist that he is. More people are coming out to lay bare the skeletons that he has been trying to hide all these years."

Idinagdag ni Gonzales na napakaraming gustong sumanib sa AKIN na isang patunay lang na maraming sinirang buhay at reputasyon si de Castro gamit ang kanyang show sa telebisyon, ang Magandang Gabi Bayan, pati na ang kanyang programa sa radyo sa dzMM.

Matatandaan na inireklamo ng Bagong Lahi na binanatan sila ng husto ni de Castro sa MGB nang di nila ibigay ang P3.5 milyong hinihingi nito. Sa kasalukuyan ay inuulan ng death threats ang mga opisyal ng Bagong Lahi.

"People who have suffered at the hands of de Castro, including some who have been jailed because of trumped up charges played up by MGB but later on acquitted, would soon spill the beans on Noli," wika ni Gonzales.

"There is strength in number, and we intend AKIN to be a support group for those who want the truth to be told why De Castro deserves to be in jail instead of holding public office," aniya.

ALYANSA

ANDREW GONZALES

BAGONG LAHI

BAGONG LAHING PILIPINO DEVELOPMENT FOUNDATION

CASTRO

DE CASTRO

GONZALES

MAGANDANG GABI BAYAN

NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with