Ayon kina Rep. Eduardo Antonio Nachura (LP, Eastern Samar) at Rep. Marcelino Libanan (NPC, Western Samar), buo at matatag pa rin ang kanilang suporta sa kandidatura ni Pangulong Arroyo at sa Koalisyon ng Katapatan sa Karanasan para sa Kinabukasan (K4).
Anila, wala nang makakapigil pa sa tiyak na panalo ni Ginang Arroyo sa presidential election dahil nasa likod ng kandidatura nito ang ibat ibang partido pulitikal.
Sinabi naman ni House Speaker Jose de Venecia na mayorya ng kasapian ng Lakas-CMD ay patuloy at aktibong itinutulak ang kandidatura ni Arroyo at ni Sen. Noli de Castro.
Sa panig naman ng NPC, sinabi ni Libanan na mahigit sa 50 kongresista ang nasa likod ng kandidatura ni Pangulong Arroyo.
Nagpasalamat din si Libanan kay NPC chairman Eduardo "Danding" Cojuangco sa pagbibigay-laya sa mga kasapi ng partido kung sino ang mamanukin sa halalan. (Ulat ni Malou Rongalerios)