^

Bansa

Suporta ng LP at NPC kay PGMA lumalakas

-
Maging ang mga kasapi ng partido Liberal at Nacionalist People’s Coalition ay hindi natinag sa pagtalon ni Vice President Teofisto Guingona sa kampo ni Fernando Poe, Jr.

Ayon kina Rep. Eduardo Antonio Nachura (LP, Eastern Samar) at Rep. Marcelino Libanan (NPC, Western Samar), buo at matatag pa rin ang kanilang suporta sa kandidatura ni Pangulong Arroyo at sa Koalisyon ng Katapatan sa Karanasan para sa Kinabukasan (K4).

Anila, wala nang makakapigil pa sa tiyak na panalo ni Ginang Arroyo sa presidential election dahil nasa likod ng kandidatura nito ang iba’t ibang partido pulitikal.

Sinabi naman ni House Speaker Jose de Venecia na mayorya ng kasapian ng Lakas-CMD ay patuloy at aktibong itinutulak ang kandidatura ni Arroyo at ni Sen. Noli de Castro.

Sa panig naman ng NPC, sinabi ni Libanan na mahigit sa 50 kongresista ang nasa likod ng kandidatura ni Pangulong Arroyo.

Nagpasalamat din si Libanan kay NPC chairman Eduardo "Danding" Cojuangco sa pagbibigay-laya sa mga kasapi ng partido kung sino ang mamanukin sa halalan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

EASTERN SAMAR

EDUARDO ANTONIO NACHURA

FERNANDO POE

GINANG ARROYO

HOUSE SPEAKER JOSE

LIBANAN

MALOU RONGALERIOS

MARCELINO LIBANAN

NACIONALIST PEOPLE

PANGULONG ARROYO

VICE PRESIDENT TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with