Gil nagwala sa Comelec
March 14, 2004 | 12:00am
Dahil sa nasagap na balitang magpapalabas na ng desisyon ang Comelec na siya ay ididiskuwalipika sa kanyang kandidatura, galit na sumugod si presidential aspirant Eddie Gil sa nasabing komisyon.
Bandang alas-10 ng gabi kamakalawa nang sumugod sa Comelec ang standard bearer ng Isang Bansa, Isang Diwa kasama ang kanyang mga tagasuporta upang ihayag ang kanilang matinding pagtutol sa balitang nadesisyunan na siya ay alisin sa listahan ng mga presidentiables.
Tinangkang tumungo ni Gil sa tanggapan ng mga komisyuner ng second division na humahawak ng kanyang disqualification case subalit hindi na nito inabutan ang mga opisyal.
Sinisisi ni Gil ang kampo ni Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas movement na siyang nasa likod ng disqualification nito.
Bukod sa dinidinig na kasong disqualification laban kay Gil na isinampa ng Bangon Pilipinas ay apat pa na dating senatoriables ni Gil ang nagsampa rin ng petisyon upang hilingin sa Comelec na i-disqualify ang huli dahil sa kawalan ng tiwala na may kakayahan itong maglunsad ng nationwide campaign. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended