^

Bansa

Bagong Lahi inuulan ng death threats

-
Dahil sa mga ibinulgar na umano’y extortion activites ni K4 vice presidential candidate Noli "Kabayan" de Castro ay sunud-sunod na death threats ang tinatanggap umano ng mga opisyal ng isang charity organization.

Ayon kay Andrew Gonzales, national director ng Bagong Lahing Pilipino Development Foundation, siya at ang kanyang staffer na si Benjie ay binabantaang papatayin kung hindi titigil sa paglalantad ng "baho’ ni Noli.

"Pero hindi kami patatakot, kahit harangan pa kami ng sibat. Kailangang malaman ng lahat kung bakit si Noli ay tinatawag na "Kabayad" sa hanay ng mga mamamahayag," matigas na pahayag ni Gonzales.

Ang Bagong Lahi ay isang charity organization na siniraan umano ni de Castro sa TV program nitong Magandang Gabi Bayan noong Peb. 2, 2002 nang di nila ibigay ang hinihingi umano nitong P3.5 milyon.

"Ito’y para sa mamamayan. Kailangang hubarin ang maskara ni de Castro dahil baka gamitin pa niya ang kanyang inaambisyong posisyon para maipagpatuloy ang kanyang nakakarimarim na operasyon," aniya.

Hinamon rin ni Gonzales ang Malacañang at Senado na imbestigahan si de Castro imbes na ipagtanggol ito sa pagpapalutang ng kung anu-anong conspiracy theory.

"Lumalabas na sacred cow ng administrasyon itong si Noli dahil imbes na paimbestigahan ay pilit pang pinagtatakpan," sabi pa ni Gonzales. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANDREW GONZALES

ANG BAGONG LAHI

AYON

BAGONG LAHING PILIPINO DEVELOPMENT FOUNDATION

ELLEN FERNANDO

GONZALES

KAILANGANG

MAGANDANG GABI BAYAN

NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with