'Kahit sa Munti payag ako' - Erap
March 13, 2004 | 12:00am
Ayaw nang iprotesta pa ni dating Pangulong Joseph Estrada ang mosyon ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio sa Sandiganbayan na ibalik na ang dating presidente sa Veterans Memorial Medical Center mula sa Camp Capinpin.
Sa isang phone interview kay Estrada, sinabi nitong kahit ibalik siya sa VMMC sa Quezon City at kahit sa Muntinlupa Bilibid Prisons pa siya dalhin kung ito ang ikaliligaya ni Villaignacio ay payag siya.
Sa naturan ding panayam, pinasalamatan ni Estrada ang Iglesia ni Cristo at El Shaddai sa suportang kaloob nila sa kanya para bigyan siya ng kaunting kaluwagan sa pagbisita niya sa kanyang bahay bakasyunan katapat ng Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.
"Nagpapasalamat ako sa kanilang suporta. Nagpapakita lang ito na sila ay tapat, tunay na Kristiyano at isinasakatuparan nila ang kanilang itinuturong Kristiyanismo," ani Estrada.
Hinggil sa pahayag ni Pangulong Arroyo na dapat bigyan ng makataong trato ang dating pangulo, sinabi ni Estrada na sa ilalim ng demokrasya, ang kagustuhan ng nakararami ang dapat na matupad.
Sinabi rin ni Estrada na gusto sana niyang paniwalaan ang pahayag na ito ng Pangulo kaya nga lang anya, dahil sa hindi niya tinupad ang pangako niya noong Disyembre 30, 2002 na hindi na siya tatakbo sa panguluhan, pag-iisipan pa niya kung dapat niyang paniwalaan o hindi ang makataong tratong ipinangako ng Pangulo.
"I am still thinking if I will believe her or not. But I hope this time, shes telling the truth," ani Estrada. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended