Sinabi ni Barbers, tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs, na ang tatlong bansa ay kailangang maging mahinahon at maingat sa pagbibigay ng babala at isaalang-alang ang diplomacy.
Ipinaalala ng dating kalihim ng DILG na ang Pilipinas ay isa sa pinaka-unang bansa sa Asya na nagpahayag ng pagsuporta sa kanilang mga pamahalaan pagkatapos ng World Trade Center bombing sa New York.
Tinawagan ng pansin ni Barbers, may akda ng anti-terror bill, ang mga pamahalaan ng tatlong bansa na bawiin ang babala para hindi lumikha ng kasiraan ng bansa at pagkalito na namamayani sa Pilipinas ang terorismo. (Rudy Andal)