Travel advisories binira ni Barbers
March 12, 2004 | 12:00am
Binatikos kahapon ni reelectionist Senator Robert "Bobby" Barbers ang panibagong travel advisories ng mga bansang US, UK at Australia na nagbibigay ng babala sa mga mamamayan nito na pag-ibayuhin ang pag-iingat ng kanilang mamamayan sa bansang Pilipinas.
Sinabi ni Barbers, tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs, na ang tatlong bansa ay kailangang maging mahinahon at maingat sa pagbibigay ng babala at isaalang-alang ang diplomacy.
Ipinaalala ng dating kalihim ng DILG na ang Pilipinas ay isa sa pinaka-unang bansa sa Asya na nagpahayag ng pagsuporta sa kanilang mga pamahalaan pagkatapos ng World Trade Center bombing sa New York.
Tinawagan ng pansin ni Barbers, may akda ng anti-terror bill, ang mga pamahalaan ng tatlong bansa na bawiin ang babala para hindi lumikha ng kasiraan ng bansa at pagkalito na namamayani sa Pilipinas ang terorismo. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest