^

Bansa

Pamimigay ng health cards tuloy

-
Tiniyak ng Malacañang na walang balak si Pangulong Arroyo na iatras ang programa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na may kinalaman sa pamimigay ng mga cards para sa medical benefits.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na handang sagutin ng PCSO at PhilHealth ang mga akusasyon laban dito.

Ito ay kaugnay ng pagsasampa ng kaso ng mga grupo ng abogado laban kay PCSO chairperson Ma. Livia Singson at PhilHealth chief Francisco Duque III dahil sa pamumudmod ng cards na umano’y isang uri ng pangangampanya sa eleksiyon ng Pangulo na ipinagbabawal ng batas.

Inireklamo ang malaking litrato ng Pangulo sa mga health cards dahil ginagamit umano ito sa pulitika.

Sinabi naman ni Bunye na sasagutin ng administrasyon ang nasabing demanda at alegasyon para na rin sa ikalilinaw ng isyu.

Ayon naman kay Health Secretary Manuel Dayrit, sa halip na batikusin ay dapat suportahan ang proyektong ito ng Pangulo.

Nilinaw ni Dayrit na ang programa ng PhilHealth ay pinagtibay ng National Health Insurance Law o Republic Act 7875, kung saan nakasaad na ang gobyerno ay kailangang magbigay ng universal health insurance coverage. (Ulat nina Ely Saludar/Lilia Tolentino/Gemma Amargo)

vuukle comment

ELY SALUDAR

FRANCISCO DUQUE

GEMMA AMARGO

HEALTH SECRETARY MANUEL DAYRIT

LILIA TOLENTINO

LIVIA SINGSON

NATIONAL HEALTH INSURANCE LAW

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with