FPJ mananalo,senador maa-ambush !
March 11, 2004 | 12:00am
Si presidential candidate Fernando Poe, Jr. ang mananalo sa darating na May 2004 elections at ang naturang halalan ang magiging pinakamadugo sa kasaysayan ng eleksiyon dito sa bansa.
Ito ang ginawang prediksyon ng kilalang psychic na si Danny Atienza sa isang forum kahapon sa Ciudad Fernandina sa Greenhills, San Juan, MM.
Si Atienza, na nakilala makaraang magkatotoo ang hula nito na isang senador ang mamamatay noong nakaraang taon - si Sen. Renato Cayetano - at isang malaking sasakyang panghimpapawid ang sasabog - ang space shuttle ng NASA, ay hindi umano pro-FPJ kundi isang Lacson supporter.
Idinagdag din nito na isa rin umanong senador na tumatakbo sa mas mataas na puwesto ang masasawi sa isang ambush samantalang dalawang kandidato sa pagka-senador ang mamamatay sa sakit bago matapos ang taon.
Ayon pa kay Atienza, kapag hindi umano nakaupo sa Malacañang si FPJ ay magiging magulo ang bansa at muling magtitipon-tipon ang mga tao sa kalsada, subalit hindi na sa EDSA shrine kundi sa Roxas boulevard.
Sunud-sunod din umano ang magiging military junta at mas magiging aktibo ang mga rebeldeng grupo kapag hindi nakaupo sa Palasyo si Poe.
Kapag hindi rin umano nakaupo si FPJ ay magkakaroon ng anarkiya sa pamahalaan.
Samantala, mabilis namang kinontra ng Ginhawang Minimithi Abot-kamay o "GMA" ang prediksiyon at sinabing mas mapanghahawakan ang resulta ng research at survey kaysa sa hula.
Ang naturang grupo ay kasama ni Atienza sa naturang forum. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended