GMA una ,FPJ kulelat sa survey
March 10, 2004 | 12:00am
Patuloy ang pag-arangkada ni Pangulong Arroyo sa mga survey lalo na sa mga negosyante.
Sa pinakahuling survey ng Roper ASW, 300 pangunahing business leaders ang nagsabing si Pangulong Arroyo ang kanilang iboboto.
Sa survey na kinuha mula February 20 hanggang 25, 20.3% ng mga business leaders ang nagbigay ng approval rating sa Pangulo, pangalawa si Sen. Panfilo Lacson na nakakuha ng 17%, pangatlo si Raul Roco, 14% at kulelat si Fernando Poe, Jr., 10%.
Hindi naman ikinagulat ng Malacañang ang resulta ng survey.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Ricardo Saludo, malaki ang tiwala at kumpiyansa ng mga pangunahing negosyante kay Pangulong Arroyo dahil naniniwala sila na ang Pangulo lamang ang makakapagpatuloy na makalikha ng trabaho at makaakit ng investments. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest