^

Bansa

Libong entertainers magra-rali

-
Nakatakdang maglunsad ng malaking kilos protesta ang libo-libong Filipino entertainer sa Japan, kasama ang kanilang pamilya at mga supporter para ipakita ang kanilang galit sa ginagawa umanong harassment ng mga tauhan ng Japanese immigration.

Ayon kay Percy Lapid, pangulo ng Association of Filipino Entertainers, hindi na nila matiis ang umano’y panggigipit na ginagawa ng Japanese Immigration sa maraming bilang ng Overseas Performing Artists (OPAs) na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Sinabi ni Lapid, walang pakundangan ang ginagawa umanong pag-aresto sa mga OPA saka ginagawan ng walang katotohanang kaso hanggang sapilitang pinapadeport sa bansa ng walang ‘due process’.

Bukod sa mga club na pinaglilingkuran, nakakaranas din umano ngayon ng harassment ang mga OPA kapag sila’y nasa department store at iba pang amusement center.

Inihayag pa ni Lapid na kailangan na ng ‘diplomatic intervention’ na dapat isagawa ngayon para sa kapakanan ng libu-libong OPA sa Japan na siyang malaking "factor" na pinagkukunan ng malaking pondo ng pamahalaan dahil sa kinikitang 'lapad' at dolyar. (Ulat ni Ellen Fernando)

ASSOCIATION OF FILIPINO ENTERTAINERS

AYON

BUKOD

ELLEN FERNANDO

INIHAYAG

JAPANESE IMMIGRATION

LAPID

NAKATAKDANG

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

PERCY LAPID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with