GMA kinampihan ni FPJ sa house arrest ni Erap
March 10, 2004 | 12:00am
Magkalaban man sila sa eleksiyon, nagkaisa naman ng posisyon sina Pangulong Arroyo at Fernando Poe, Jr. ng kampihan ng huli ang una kaugnay sa special treatment na ibinigay kay dating Pangulong Estrada.
Iginiit kahapon ni FPJ na hindi na kailangang kasuhan si Pangulong Arroyo dahil sa naging pagtrato ng mga security ni Erap makaraang payagang makapunta ito sa kanyang rest house malapit sa kanyang kulungan sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.
"Palagay ko hindi na dapat palakihin pa ng ibat ibang legal at civic groups ang makataong pagtrato ni GMA kay dating pangulong Erap," wika ni FPJ matapos itong dumalo sa paglulunsad ng Kilos para sa Bagong Umaga sa UP Bahay Alumni.
Umaasa siya na tuluyang bibigyan ng "house arrest" si Erap dahil na rin sa kanyang matinding pagdaing sa kanyang sakit sa tuhod. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended