Malacañang probe kay Kabayan hirit
March 10, 2004 | 12:00am
Dapat ay imbestigahan ng Malacañang ang naglalabasang reklamo ng pangongotong ni K4 vice presidential candidate Sen. Noli "Kabayan" de Castro imbes na protektahan ito sa pamamagitan ng spokesman ni Pangulong Arroyo na si Mike Defensor.
Ito ang ginawang pahayag ni Andrew Gonzales, national director ng charity organization na Bagong Lahing Pilipino Development Foundation bilang reaksiyon sa pahayag ni Defensor na may P6 million demolition campaign laban kay de Castro.
Walang P6 million campaign laban kay Noli paraan lang nila ito para ma-deflect ang nakakadismayang katotohanan na si de Castro ay maraming kalansay na itinatago , wika ni Gonzales.
Matatandaan na nagsumite ng affidavit of complaint si Gonzales at lima pang opisyal ng Bagong Lahi na siya nilang gagamitin sa pagsasampa ng kaso laban sa anilay pangongotong ni de Castro sa kanila ng P 3.5 milyon noong 2002.
Dapat ay malaman ni Pangulong Arroyo kung sino ba talaga si Noli de Castro. May panahon pa para bitawan niya ito kung ayaw niyang (Arroyo) sumemplang ang kanyang kandidatura sa Mayo, wika ni Gonzales. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended