^

Bansa

Mga Pinoy entertainer sa Japan umapela laban sa harassment

-
Umapela kahapon ang Association of Performing Artist of the Philippines (APAP) sa Japan Bureau of Immigration (BI) na irespeto ang karapatan ng maraming bilang ng Filipino entertainers na nagtatrabaho ngayon sa nasabing bansa dahil sa walang puknat na pag-aresto at panghaharas sa mga ito.

Ayon kay Maureen Advincula, 28, pangulo ng APAP, matagal na silang nakakatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y nararanasang harrassment at pagmamaltrato sa mga Overseas Performing Artists (OPAs) na kadalasan ay ipinapa-deport na hindi sumasailalim sa "due process".

Sinabi ni Advincula, isinagawa ng Japan Bureau of Immigration sa mga OPAs ang "massive crackdown" sa mga club, amusement center at maging sa mga shopping malls.

Hiniling na rin ng grupo ni Advincula sa gobyerno na gumawa ng agarang aksyon laban sa reklamo ng mga performing artists kung ayaw nilang mawalan ng hanapbuhay ang mga entertainers sa Japan na siyang pangunahing nagpapasok ng dolyar sa kaban ng bansa.

Una dito, isiniwalat na rin ng grupo ni Willie Espiritu, pangulo ng Philippine Overseas Entertainment Industry (POEI) Foundation ang nararanasang problema ng mga Filipino entertainers ngunit nananatili na walang aksyon ang kinauukulang ahensya ng ng pamahalaan.

Nagbanta ang grupo ni Advincula na mapipilitan silang magsagawa ng kilos protesta sa susunod na mga araw upang kalampagin ang pamahalaan hinggil sa nasabing suliranin ng OPAs. (Ulat ni Ellen Fernando)

ADVINCULA

ASSOCIATION OF PERFORMING ARTIST OF THE PHILIPPINES

AYON

ELLEN FERNANDO

JAPAN BUREAU OF IMMIGRATION

MAUREEN ADVINCULA

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

PHILIPPINE OVERSEAS ENTERTAINMENT INDUSTRY

WILLIE ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with