FPJ campaign rally minulto sa Ormoc
March 8, 2004 | 12:00am
TACLOBAN CITY, Leyte - Kakaibang karanasan sa campaign sortie ang dinanas ng mga reporter na nagko-cover kay Fernando Poe Jr. nang mag-overnight ang mga ito sa Pongos Hotel sa Ormoc City.
Nalaman ng mga reporter na ang nasabing hotel ay kabilang sa mga establisimiyentong nilubog dahil a flash flood sa Ormoc tragedy kung saan ay libu-libo ang nasawi.
Ayons sa source, maraming bangkay ang hindi na nakilala nang lubugin ng flash flood ang nasabing hotel.
Ang ibang reporters ay tumaas ang mga balahibo at kinilabutan sa pagpasok pa lamang nila sa kanilang kuwarto sa old building ng Pongos Hotel.
"Iba ang pakiramdam ko sa pagpasok pa lamang sa room ko sa hotel kaya nagmamadali ako na lumipat sa ibang kuwarto para makisama na lamang sa ibang kuwarto sa new building ng Pongos," wika ng isang broadsheet reporter.
Takot na takot na baka makakita ng multo ang broadsheet reporter kaya nakiusap sa kapwa reporter na nasa kabilang bagong gusali ng Pongos hotel na magsama na lamang sila sa kuwarto.
Ang isang cameraman naman ng telebisiyon na kabilang din sa sortie mediamen ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) ay nagulat nang habang nakahiga siya sa kama ng kanilang kuwarto sa Pongos hotel sa old building ay biglang lumilipat ng channel ang telebisyon gayung nasa tabi ng kanyang higaan ang remote control nito.
"Wala namang naglilipat ng channel sa TV pero kusang lumilipat ito ng channel kaya parang kinabahan ako," wika ng TV cameraman.
Maging ang isang broadsheet reporter ay nakaranas din ng kakaibang pakiramdam sa Pongos Hotel.
Sinabi ng isa pang reporter na habang nakahiga siya at nakapikit ang mata ay parang nakakakita siya ng mga bata kaya halos hindi na siya makatulog sa magdamag sa nasabing hotel.
Marami palang bata ang nabaon nang buhay ng magkaroon dito ng flash flood bukod sa maraming transient occupants ng hotel na nabaon din ng buhay ang hindi nakilala na karamihan ay mga ahente ng softdrinks. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended