Aniya, double standard ang pinatutupad na batas ni Fernando kung saan ang mga vendor lamang ang kaya nito at hindi ang mga malalaking kumpanya na sumasakop ng mga sidewalk na isa sa dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Tinuran ni Biazon ang Dela Rosa Bus Company na matatagpuan sa Metropolis, Alabang Viaduct, nasabing lungsod na lantaran ang pagsakop ng mga bus nito sa sidewalk na hindi binibigyan ng pansin ng MMDA. Sinabi pa ng mambabatas na tinawagan niya ng pansin ang pamunuan ng MMDA at umabot pa ito sa Kongreso upang resolbahin ang naturang usapin ngunit nagkibit-balikat lamang si Fernando hinggil dito.
Nilinaw nito na hindi siya tutol sa programa ng MMDA sa paglilinis ng sidewalk ngunit kailangan aniya ay pantay-pantay ang pagpapatupad ng batas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)