^

Bansa

MMDA bias sa vendor

-
Inakusahan ni Muntinlupa City Congressman Ruffy Biazon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando dahil sa pagiging "double standard" nito sa pagpapatupad ng batas trapiko. Partikular na tinukoy ng solon ang kampanya ng ahensya sa pagtataboy sa mga vendor sa mga sidewalk sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Aniya, double standard ang pinatutupad na batas ni Fernando kung saan ang mga vendor lamang ang kaya nito at hindi ang mga malalaking kumpanya na sumasakop ng mga sidewalk na isa sa dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Tinuran ni Biazon ang Dela Rosa Bus Company na matatagpuan sa Metropolis, Alabang Viaduct, nasabing lungsod na lantaran ang pagsakop ng mga bus nito sa sidewalk na hindi binibigyan ng pansin ng MMDA. Sinabi pa ng mambabatas na tinawagan niya ng pansin ang pamunuan ng MMDA at umabot pa ito sa Kongreso upang resolbahin ang naturang usapin ngunit nagkibit-balikat lamang si Fernando hinggil dito.

Nilinaw nito na hindi siya tutol sa programa ng MMDA sa paglilinis ng sidewalk ngunit kailangan aniya ay pantay-pantay ang pagpapatupad ng batas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG VIADUCT

ANIYA

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DELA ROSA BUS COMPANY

FERNANDO

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MUNTINLUPA CITY CONGRESSMAN RUFFY BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with