Sa bantang papatayin si Jose Pidal pagnanalo: Ping nagpapapansin
March 7, 2004 | 12:00am
Nagpapapansin lamang si independent presidential candidate Senator Panfilo Lacson sa ginawa nitong banta na ipakukulong o ipapasalvage nito si Ignacio Arroyo, kapatid ni First Gentleman Mike Arroyo na umaming siya si Jose Pidal, bilang kanyang unang hakbang sa sandaling mabigyan ng pagkakataon na hawakan ang pampulitikang kapangyarihan sa bansa sa sandaling manalong pangulo sa darating na halalan.
Kinastigo ni Atorni Jesus Santos, abugado ng Unang Ginoo, ang pahayag na ito ni Lacson kasabay ng paghamon sa senador na respetuhin na lamang ang batas sa pamamagitan ng paghahain ng kaso laban kay Ignacio sa korte.
"Malakas ang loob niyang magbanta dahil alam naman niya na wala siyang pag-asang manalo sa halalan. Tila nakakalimutan ng butihing senador ang naging papel nito sa Kuratong Baleleng at hindi maaaring basta na lamang siyang pumatay o magpakulong ng tao," pahayag pa ng batikang trial at litigation lawyer.
Aniya, nagpapapansin lamang ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa pagbuhay nito sa isyu ng Joe Pidal.
"Inaasahan na namin ang mga pahayag ni Lacson dahil nawawala na ito sa mata ng publiko matapos na panigan ng Supreme Court ang kandidatura ni Fernando Poe, Jr," sabi ni Santos.
Pinagdiinan pa ni Santos na ang mga paratang na binitawan ni Lacson laban sa magkapatid na Arroyo ukol sa money laundering ay lantarang pinabulaanan ng mga opisyal ng bangko.
"Maging ang Senate blue ribbon committee ay itinigil ang kanilang pagsisiyasat sa isyu dahil bigo si Lacson na maghain ng matibay na ebidensiya," dagdag pa niya. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest