Ito ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng Maniwang Commission na inatasan ng Malacañang na magsiyasat sa akusasyon ng Magdalo Group, ang grupong naglunsad ng Oakwood mutiny sa Makati City.
Sa report, sinabi ng komisyon na fake ang Oplan Greenbase na binasehan ng Magdalo sa kanilang alegasyon.
Maging ang AFP at MILF ay nilinis din ng Maniwang Commission sa serye ng pambobomba sa Davao.
Pero pinagsabihan nito ang defense officials dahil hindi ginawan ng kaukulang hakbang at atensiyon ang pagkalat ng fake documents ukol sa Oplan Greenbase.
Maging ang pag-aresto sa ilang hinihinalang MILF members ay kinuwestiyon din ng komisyon.
Samantala, wala namang natukoy ang komisyon kung sino ang tunay na salarin sa Davao bombings. (Ulat nina Ely Saludar/Lilia Tolentino)