^

Bansa

FPJ 'ka-puso' ng OFWs

-
Malapit sa puso ni presidential aspirant Fernando Poe, Jr. ang libu-libong overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang inihayag kahapon ni Willie Espiritu, national vice president ng FPJ Crusade Inc.

Sinabi ni Espiritu, kung sakaling si FPJ ang papalarin manalo sa darating na halalan sa Mayo 10 ay bibigyan nito ng sapat na tulong at suporta ang mga OFW sa Japan, Saudi Arabia, Hongkong, Taiwan at Singapore.

Sa ngayon ani Espiritu, kailangan umano ang "diplomatic intervention" partikular sa kinakaharap na suliranin ng mga Overseas Performing Artists (OPAs) sa Japan na biktima umano ng injustices at harassment na nagreresulta ng pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas ng wala man lamang due process.

Inilalaan na umano ni FPJ sa kanyang "first 100 days" ang agarang pagresolba sa naturang problema sa oras na ito ay manalo.

Inihayag pa ni Espiritu na pinaplano na ngayon ni FPJ ang pagre-review sa pagkuha ng requirements ng isang OPA’s patungong Japan.

Si Espiritu ay siya ring pangulo ng Philippine Overseas Entertainment Industry (POEI) na naniniwalang si FPJ ang bagong pag-asa ng mga OFW. (Ulat ni Ellen Fernando)

CRUSADE INC

ELLEN FERNANDO

ESPIRITU

FERNANDO POE

INIHAYAG

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

PHILIPPINE OVERSEAS ENTERTAINMENT INDUSTRY

SAUDI ARABIA

SI ESPIRITU

WILLIE ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with