^

Bansa

Halina Perez, 2 pa patay sa road mishap

-
Nasawi sa isang aksidente ang sikat na artistang si Halina Perez at dalawa pang kasama, samantala apat ang nasugatan makaraang salpukin ng kasalubong na truck ang sinasakyan ng mga ito at tumilapon sa bangin sa national highway ng del Gallego, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Tagkawayan District Hospital dahil sa bali sa leeg at likod si Perez, 22, habang dead-on-the spot naman ang manager ng aktres na si Aiza Muñoz, isang homosexual at ang di pa nakilalang driver.

Sugatan naman sina Renato Tabucol, Melon Antonio, Gerry Olaez at ang upcoming starlet na si Danna Garcel na miyembro ng Viva Hot Babes na nagtamo naman ng sugat sa binti.

Sa isinumiteng report kahapon ni P/Sr. Supt. Roberto Rongavilla, naganap ang sakuna pasado alas-6 ng umaga sa kahabaan ng national highway ng del Gallego, Camarines Sur.

Batay sa imbestigasyon, lulan ng Nissan Serena na may plakang XGR 305 na minamaneho ni Tabucol ang grupo ng mga biktima. Ang mga ito ay galing sa pagso-show sa Bicol at pabalik na sa Maynila ng maganap ang sakuna habang ang kasalubong na Isuzu Elf truck na puno ng kargang gulong ay patungo naman sa Legaspi City ng magsalukan.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang van na sinasakyan nina Perez sa isang malalim na bangin sa gilid ng daan.

Nabatid na natutulog umano si Perez sa gitna ng sasakyan kaya humampas ang ulo at likod nito.

Sumuko at isinasailalim na sa kustodya ng pulisya ang driver ng truck na nakabangga sa sasakyan nina Perez.

Magugunita na si Perez ay tatlong beses ng nagtangkang mag-suicide sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso dahilan sa mabibigat na problema sa buhay. (Ulat nina Joy Cantos,Ed Casulla,Francis Elevado at Tony Sandoval)

vuukle comment

AIZA MU

CAMARINES SUR

DANNA GARCEL

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

GALLEGO

GERRY OLAEZ

HALINA PEREZ

ISUZU ELF

PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with