Sinabi kahapon nina Deputy Speaker Raul Gonzalez (Iloilo) at Rep. James Gordon (Zambales) na personal na desisyon pa lamang ng kanilang "acting chairman" na si Villar ang panukalang ampunin si Lacson at hindi ito sentimiyento ng mga miyembro ng NP.
Ayon pa kay Gonzalez, ilang ulat na rin ang kanyang natanggap na hindi pabor kay Lacson ang mga NP members sa Metro Manila at maging sa mga probinsiya kaya siguradong tututol ang mga ito sa plano ni Villar.
Hindi rin nagustuhan ni Gonzalez ang naging pahayag ni Villar na para anyang nagdesisyon na siya para sa buong partido.
Wala aniyang desisyon ang maaaring ilabas ng partido kung hindi ito napagkasunduan ng lahat ng miyembro.
Sinabi pa ng congressman na napagkasunduan ng Nacionalistas sa buong kapuluan na manatili sa koalisyon ng Lakas-CMD hanggat walang nagiging desisyon ang national directorate. (Ulat ni Malou Rongalerios)