Ang naturang miyembro ng Presidential Security Guard ay kinilalang si Junry Mogadato. Kasama siya ng tropang nagbibigay seguridad sa Presidente ng maganap ang insidente.
Si Mogadato ay sakay ng convoy security vehicle ng mahulog.
Hindi naman siya namalayan ng kasunod na pick-up (presidential back-up) kaya nasapol nito ang kaliwang binti ni Mogadato.
Agad namang tumigil sa pangangampaya si Pangulong Arroyo at dinaluhan ang aide.
Mabilis na dinala ang biktima sa kalapit na ospital. (Ulat ni Lilia Tolentino)