Ayon kay Padilla na tumatakbong senador ni presidential aspirant Panfilo Lacson, inconsistent ang inilabas na resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) kaya hindi malaman ng mga mamamayan kung alin ang paniniwalaan.
Maaari lamang aniyang magamit sa pandaraya ang mga survey dahil ikinokondisyon nito ang isip ng mga botante.
"We should put an end to all these surveys. These are inaccurate and can only be a prelude to cheating," pahayag ni Padilla.
Magugunitang si Pangulong Arroyo ang nanguna sa isinagawang survey ng Pulse Asia at pumangalawa lamang si Fernando Poe, Jr. Sa SWS survey naman ay nanguna si FPJ at pangalawa lamang si Arroyo.
Nauna rito, ipinahayag ni Lacson na hindi na dapat paniwalaan ang mga survey. Sa dalawang nabanggit na surveys, pumalo lamang sa ika-apat na puwesto si Lacson at sumunod siya kay Raul Roco. (Ulat ni Malou Rongalerios)