^

Bansa

Mga survey ipinatitigil

-
Nais ni House Minority Leader Carlos Padilla na ipatigil na ang mga inilalabas na surveys ng iba’t ibang kompanya dahil hindi naman magkakatugma ang mga resulta nito.

Ayon kay Padilla na tumatakbong senador ni presidential aspirant Panfilo Lacson, ‘inconsistent’ ang inilabas na resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) kaya hindi malaman ng mga mamamayan kung alin ang paniniwalaan.

Maaari lamang aniyang magamit sa pandaraya ang mga survey dahil ikinokondisyon nito ang isip ng mga botante.

"We should put an end to all these surveys. These are inaccurate and can only be a prelude to cheating," pahayag ni Padilla.

Magugunitang si Pangulong Arroyo ang nanguna sa isinagawang survey ng Pulse Asia at pumangalawa lamang si Fernando Poe, Jr. Sa SWS survey naman ay nanguna si FPJ at pangalawa lamang si Arroyo.

Nauna rito, ipinahayag ni Lacson na hindi na dapat paniwalaan ang mga survey. Sa dalawang nabanggit na surveys, pumalo lamang sa ika-apat na puwesto si Lacson at sumunod siya kay Raul Roco. (Ulat ni Malou Rongalerios)

FERNANDO POE

HOUSE MINORITY LEADER CARLOS PADILLA

JR. SA

LACSON

MALOU RONGALERIOS

PADILLA

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

PULSE ASIA

RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with