Daang pasahero nasa loob pa ng barko ng Super Ferry
February 29, 2004 | 12:00am
Posible umanong marami sa mga nawawalang pasahero ay na-trap sa mga cabin ng SuperFerry 14 na nasunog kamakalawa ng madaling araw sa isla ng Corregidor.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Lt. Armando Balilo, spokesman ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil na rin sa wala pa umanong lumulutang at nakukuhang bangkay hanggang sa kasalukuyan ang mga SOG-divers na nagsasagawa ng search and rescue operations.
Nabatid na mayroong tatlong deck ang naturang barko, sa itaas ang economy, tourist at luxury rooms samantalang sa ikalawang palapag ang cabin at sa ilalim ang engine.
Bunsod nito kaya hinihinala ni Balilo na ang mga pasahero na na-trap dito ay ang mga nasa cabin na malapit sa engine ng barko at maaaring mga patay na rin ang mga ito.
Anumang oras ay papasukin na ng mga frogmen ng Phil. Navy, Coast Guard, Maritime at PNP-Scene of the Crime Office (SOCO) team ang loob ng barko na hinila sa baybayin ng Mariveles, Bataan upang maghanap ng ebidensiya sa sanhi ng pagsabog at sunog.
Ala-una ng hapon kahapon ng subukang pasukin ng 12 divers ang barko pero sa bridge portion pa lamang sila ay hindi na nakayanan ang matinding init at usok sa loob dahil sa patuloy pa rin itong nagbabaga.
Ayon pa kay Balilo, sa sandaling lumamig na ang barko ay unang papasok ang mga diver kasunod ang SOCO upang magsagawa ng imbestigasyon kung mayroon pang mga labi sa loob nito.
Ayon naman sa DILG anti-arson task force, 25 porsiyento na ng barko ang nakalubog at 85% na nito ang nasunog dahilan para tumagilid na ito sa bandang kanan.
Kasabay nito ay inutos ni Pangulong Arroyo sa PCG at Phil. Navy na ipagpatuloy ang ginagawa nilang paghahanap sa mga nawawalang pasahero ng SuperFerry 14.
Kailangan anyang tuluy-tuloy ang operasyon hanggang matagpuan lahat ang mga pasahero buhay man o patay.
Pasok na rin sa imbestigasyon ang PNP-SOCO team upang alamin ang sinasabing anggulo na isang "terror attack" ang pinagmulan ng naganap na trahedya.
Ayon kay PNP spokesman P/Sr. Supt. Joel Goltiao, nagpadala na ng request ang tanggapan ni PCG chief Rear Admiral Arturo Gosingan kay PNP Chief Gen. Hermogenes Ebdane, Jr. para tumulong sa imbestigasyon sa sanhi ng trahedya.
Ang "terror attack" ay lumutang base sa testimonya ng ilang mga survivors na nakarinig muna sila ng malakas na pagsabog kasunod ng makapal na usok bago tuluyang naglagablab ang SuperFerry 14, dalawang oras pa lamang nakakalayo sa Pier 4 ng North Harbor sa Maynila.
Samantala, tumanggi pa rin ang pamunuan ng PCG na magpalabas ng opisyal na manifesto na talaan ng mga pasahero. Hanggang sa kasalukuyan ay isa pa rin ang iniulat na patay, subalit sa report kahapon ay dalawa, habang 766 ang survivor (806 sa ulat kahapon).
Sa talaan ng Coast Guard ay 112 pa ang nawawalang pasahero, bagay na hindi naman tumutugma sa ipinalabas na report ng WG & A na 71 lamang ang nawawala kabilang ang ilang crew ng barko. (Ulat nina Gemma Amargo,Joy Cantos,Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest