Ayon kay Loren, ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay sumasalamin sa bigong polisiyang pang-ekonomiya na pamahalaan.
Idinagdag niyang lalo pang magkukulang sa pagkain ang may 16 milyong batang Pilipino na sa mismong datos ng pamahalaan ay undernourished o kulang sa pagkain.
Sa palengke ay umabot na sa P120 ang kilo ng manok, habang ang baboy ay ibinebenta ng P150 kada kilo at ang baka ay naglalaro ang presyo mula P150 hanggang P170.
Dahil sa taas ng presyo ay maraming Filipino household ang di makabili ng karne kaya nagbabalak ang ilang hog raisers na magdeklara ng pork holiday bilang protesta sa mataas na farm gate ng mga baboy. (Ulat ni Rudy Andal)