Naniniwala si Hussin, tumatakbong senador sa ilalim ng K4, na ang small & medium enterprises (SMEs) ang siyang kumakatawan sa tunay na lakas ng ekonomiya at dahil dito dapat bigyan ng importansiya at suporta.
Ang ARMM sa ilalim ni Hussin ay nakapagtala ng economic growth rate na 4.8% (kumpara sa national growth rate na 4.4%) na siyang ikalawang pinakamabilis na umunlad na rehiyon sa bansa.
Pinapurihan ni Hussin ang pagsisikap ni Pangulong Gloria Arroyo na gawing "food basket" ng bansa ang Mindanao na siyang daan upang mahinto ang tatlong-dekadang secessionist movement.
Binanggit pa ni Hussin na ang SMEs mula sa Mindanao ay nakatagpo ng pagbebentahan ng kanilang paninda sa pamamagitan ng paglahok sa mga trade fair sa Metro Manila partikular sa Greenhills. (Ulat ni Lilia Tolentino)